"Ang mabagsik na Taal"
Dito sa Pilipinas isa ang Taal Volcano sa mga aktibong bulkan. Matatagpuan ito sa San Nicolas Batangas. Isa ito sa mga dinadayo ng mga pinoy at maging mga turista galing sa iba't ibang bansa. Hapon sa buwan ng Enero 12 2020, ay nagulat nalang ang lahat noong nalaman nilang sumabog ang bulkang Taal matapos ang 43 taong nanahimik. Ang bulkan ay naglabas ng mga makakapal na usok na parang may galit sa mundo.
Hindi natin maiiwasan ang mga ganitong pangyayari sa ating bansa o ating mundo. Ang pagsabog ng bulkang Taal ay nakapinsala hindi lamang sa mga lugar sa Batangas, pati na rin sa mga malalapit na lugar. Dahil sa paglabas nito ng abo, nagresulta ito ng ashfall na hindi lamang naranasan sa mga lugar sa Batangas, umabot ito pati rin sa mga lugar sa Timog kagaya ng Calabarzon at Metro Manila.
S.abcnews.com. https://s.abcnews.com/images/International/volcano-stack-2-rd-er-200113_hpEmbed_3x2_992.jpg
Naapektohan rin ang mga taong naninirahan sa mga lugar na nakaranas ng ashfall. Marami rin ang nagkakasakit at marami ring namatay dahil nalalanghap nila ang usok na nanggaling sa bulkan kung saan ito ang naging dahilan ng paghihirap sa paghinga. Nabalutan ng halos abo at putik ang lugar doon, pati mga puno't mga halaman. Maraming mga pangkabuhayan sa probinsya ang nasira at mga trabahong naapektohan dahil sa pagsabog ng bulkan. Kinakailangan nilang lumikas sa mas ligtas na lugar ngunit may mga ibang residente ang hindi makalikas dahil sa takot at pangangamba na baka kung lalabas sila ay may mangyayaring masama sa kanila. Kaya naghihintay nalang lamang sila ng tulong galing sa mga rescue team.
Isa ito siguro sa mga nangyari sa ating bansa na pumukaw talaga sa mga kapwa natin Pilipino. Pati tayo na hindi naapektuhan sa pagsabog ng bulkan ay parang naapektuhan na din. Parang napagtanto na ng mga mamamayang Pilipino na parang naniningil na ang ating kalikasan. Tayo talaga ang may kasalanan sa mga nangyayaring negatibo sa ating bansa. Sa ating kamay mga Pilipino nakasalalay ang kaligtasan at kalinawan ng ating bansa. Dapat noon pa nating naisip ang mga posibiladad na mangyayari o resulta sa ating mga masamang o maduming gawain. Dahil tayo ang sumisira sa ating bansa, dapat tayo rin ang kailangang magisip kung paano ito maaayos. Magtulangan tayong lahat upang maging masagana at malinis.

